Ang Programang Acute Hospital Care at Home
Pansin sa Lahat ng Mga Benepisyaryo ng Medi-Cal
Kasabay ng California Department of Public Health (CDPH), tinapos na ng Department of Health Care Services (DHCS) ang programang Acute Hospital Care at Home (AHCAH), na epektibo sa Mayo 11, 2023. Pinawalang-bisa ng CDPH ang All Facility Letter 20-90 tungkol sa pansamantalang gabay para sa 2019 Novel Coronavirus (COVID-19), dahil ang CDPH ay walang awtoridad ayon sa batas na maglisensya ng ganitong uri ng pangangalaga sa pagtatapos ng Public Health Emergency (PHE) ng estado. Upang makaayon sa mga kinakailangan sa paglilisensya ng pasilidad ng CDPH, hindi na nakikilahok ang DHCS sa programa ng AHCAH.