Lumaktaw sa Pangunahing Nilalaman​​ 

Paano Ako Makakakuha ng Medi-Cal bilang Dating Foster Youth?​​ 

Bumalik sa Former Foster Youth webpage​​ 

1. Umalis ka ba sa foster care sa California sa edad na 18 o mas matanda pagkatapos ng Enero 1, 2014?​​ 

  • Awtomatiko kang ilalagay sa programang Medi-Cal para sa Former Foster Youth (FFY) kapag umalis ka sa foster care at mananatiling saklaw hanggang edad 26. HINDI mo na kailangang mag-aplay muli. Kung mayroon kang mga tanong o problema sa iyong Medi-Cal, kausapin ang iyong social worker, probation officer, o eligibility worker ng Medi-Cal.​​ 

2. Umalis ka ba sa foster care sa California sa edad na 18 o mas matanda bago ang 2014 o umalis sa foster care sa ibang estado o tribo?​​ 

  • Maaari kang mag-sign up sa pamamagitan ng pagsagot sa isang 1-pahinang form, na tinatawag na MC 250A, o sa pamamagitan ng pagbibigay ng iyong impormasyon sa telepono sa iyong lokal na county.​​ 
  • Mag-apply sa pamamagitan ng telepono: Karamihan sa mga county ay may isang tukoy na numero ng telepono, kawani, o tanggapan upang matulungan ang FFY na mag-sign up.​​ 
  • I-download ang Medi-Cal form MC 250A: Dating Foster Youth (Tagalog| Espanyol)
    ​​ 
Huling binagong petsa: 10/22/2025 4:07 PM​​