SB 75 - Buong Saklaw ng Medi-Cal para sa Lahat ng Bata
Sa ilalim ng bagong batas na ipapatupad nang hindi lalampas sa Mayo 1, 2016, ang mga batang wala pang 19 taong gulang ay karapat-dapat para sa buong saklaw na mga benepisyo ng Medi-Cal anuman ang katayuan sa imigrasyon, hangga't natutugunan nila ang lahat ng iba pang kinakailangan sa pagiging karapat-dapat (Wefare and Institutions Code section 14007.8.) Ang Department of Health Care Services (DHCS) ay nakikipagtulungan sa County Welfare Directors Association of California (CWDA), mga ahensya ng serbisyong pantao ng county, Covered California, mga tagapagtaguyod, at iba pang mga interesadong partido upang matukoy ang mga apektadong bata at mabigyan sila ng buong benepisyo sa saklaw ng Medi-Cal.