Skip to content​​ 
Tahanan Mga Serbisyo Dibisyon ng mga Serbisyo sa Kalusugang Pangkaisipan Pag-update sa Dashboard ng Pagganap​​ 

Pag-update sa Dashboard ng Pagganap​​ 

Oktubre 25, 2016​​  

Ang Department of Health Care Services (DHCS) ay bumuo ng istruktura ng unang komprehensibong Medi-Cal Specialty Mental Health Services (SMHS) Performance Dashboards at inihahanda ang mga ito para sa publikasyon alinsunod sa DHCS Public Aggregate Reporting Guidelines upang protektahan ang privacy ng pasyente.  Nakikipag-ugnayan ang DHCS sa Centers for Medicare and Medicaid Services (CMS) tungkol sa takdang panahon para sa pag-post ng pinagsama-samang Performance Dashboards para sa buong estado at partikular sa bawat county. Layunin ng DHCS na mailathala ang pang-estadong pinagsama-samang dashboard sa website ng DHCS pagsapit ng Disyembre 31, 2016. Kasunod ng paglalathala ng pang-estadong pinagsama-samang dashboard, ang mga dashboard na partikular sa bawat county ay ilalathala sa mga website ng DHCS at MHP batay sa daloy simula Enero 2017.​​        

Ang mga Performance Dashboard para sa buong estado at partikular sa bawat county ay magkakaroon ng dalawang set ng mga tsart at talahanayan. Ang unang set ay tututok sa iba't ibang demograpiko ng mga bata at kabataang may edad 0 hanggang 20 at ang pangalawang set ay tututok sa parehong mga elemento ng datos para sa mga nasa hustong gulang na may edad 21 pataas. Ang mga ulat ay ibabatay sa mga aprubadong datos ng mga paghahabol para sa mga espesyal na serbisyo sa kalusugang pangkaisipan na ibinibigay sa mga benepisyaryo ng Medi-Cal. Isasama sa mga talahanayan ang demograpiko ng mga bata at kabataan, at populasyon ng mga nasa hustong gulang at nakatatanda ayon sa edad, kasarian, lahi, at etnisidad.  Ang datos ng paggamit ng serbisyo ay ipapakita ayon sa halaga ng dolyar at mga yunit ng serbisyo.  Dalawang uri ng impormasyon tungkol sa penetration rate ang ibibigay, na ikinakategorya ayon sa mga demograpikong katangian.  Bukod pa rito, isasama sa mga talahanayan ang isang "snapshot" sa bawat punto ng panahon ng mga populasyon na pumapasok, lumalabas, at nagpapatuloy sa mga serbisyo sa loob ng dalawang taon.  Ang mga talahanayan ng time-to-step-down ay magbibigay ng datos na sumasaklaw sa nakalipas na apat na taon ng mga serbisyo ng time-to-step-down kasunod ng paglabas mula sa psychiatric inpatient.  Ang 2016 Performance Dashboards ay magbibigay ng impormasyon tungkol sa mga trend sa pamamagitan ng pagpapakita ng impormasyon para sa mga Taong Pananalapi na 2011-12, 2012-13, 2013-14, at 2015-15.  Magsasama rin ang mga kasunod na MHP Performance Dashboard ng mga na-update at karagdagang impormasyon habang nagiging available ang mga bagong kumpletong datos para sa taong piskal, at may mga bagong elemento ng datos na idinaragdag.​​