Skip to Main Content

​​​​Transisyon ng Pangangalaga mula sa Pediatric patungo sa Pangangalagang Pangkalusugan ng Nasa Hustong Gulang Mga Madalas Itanong (Frequently Asked Questions, FAQ)​

Ang mga FAQ na ito ay tutulong sa iyo at sa iyong pamilya na maunawaan ang iyong mga pagpipilian sa pangangalagang pangkalusugan para sa pag-transisyon mula sa programa ng Mga Serbisyong Pambata ng California (California Children's Services, CCS) patungo sa pang-nasa hustong gulang na pangangalaga pangkalusugan sa iyong ika-21 kaarawan. Ang legal na nasa hustong gulang na edad ay 18 taong gulang, ngunit nagta-transisyon ang mga miyembro sa labas ng programa ng CCS kapag naging 21 na sila.​

Pagpaplano ng Transisyon

1. Ano ang ibig sabihin ng "transisyon sa pangangalagang pangkalusugan"?​

Ang transisyon ng pangangalagang pangkalusugan ay isang planado at organisadong paglipat mula sa isang pediatric at nakasentro sa pamilya na modelo ng pangangalagang pangkalusugan patungo sa isang nasa hustong gulang at nakasentro sa pasyente na modelo batay sa iyong mga pangangailangan. Nangangahulugan ito ng pag-aaral na pamahalaan ang iyong sariling kalusugan at pangangalagang pangkalusugan o pagtatalaga ng ibang nasa hustong gulang na maaaring gumawa nito para sa iyo. Maaaring kakailanganin mong pumili ng isang bagong doktor sa pangunahing pangangalaga, mga espesyalista, at iba pang clinician para sa transisyong ito.

​2. Ano ang pagkakaiba sa pagitan ng pediatric at pang-nasa hustong gulang na pangangalagang pangkalusugan?

Para sa pediatric na pangangalagang pangkalusugan, ang iyong (mga) magulang (o isang kwalipikadong tagapag-alaga) ang siyang gumagawa ng mga desisyon para sa iyo at pinamamahalaan ang iyong pangangalagang pangkalusugan, tulad ng mga appointment, gamot, at insurance/pagbabayad. Sa edad na 18, o ang legal na malayang edad, responsibilidad mong gumawa ng sarili mong mga desisyon sa pangangalagang pangkalusugan. Kung mayroong isang conservatorship, gagawa ang conservator ng mga desisyon sa pangangalagang pangkalusugan para sa iyo. Sa pang-nasa hustong gulang na sistema ng pangangalagang pangkalusugan, responsibilidad mong makipag-usap sa iyong mga provider ng pangangalagang pangkalusugan, maliban kung binigyan mo ng awtorisasyon ang iyong (mga) magulang na gawin ito sa pamamagitan ng paglagda ng isang release form sa iyong medikal na prover.

3. Kailan ako magsisimulang magplanong magtransisyon mula sa pediatric patungo sa pang-nasa hustong gulang na pangangalagang pangkalusugan?

Inirerekomenda ng programa ng CCS na simulan ang impormal na pagpaplano ng transisyon sa edad na 14, isinasaalang-alang ang iyong debelopmental na maturidad, edukasyon, panlipunang sitwasyon, at kahandaan ng pamilya.​

4. Paano ako magta-transisyon sa isang programa para sa pang-nasa hustong gulang na pangangalaga, at gaano katagal bago lumipat?

Inirerekomenda ng programa ng CCS ang mga sumusunod na aktibidad at mga timeline ng pag-transisyon mula sa programa ng CCS patungo sa isang programa para sa pang-nasa hustong gulang na pangangalaga. Maaaring baguhin ang mga nakalistang timeline kung kinakailangan depende sa mga pangangailangan mo at ng iyong pamilya: [Tandaan: Kung pinamamahalaan ang iyong CCS sa pamamagitan ng isang Whole Child Model (WCM) managed care plan (MCP), maaaring iba ang mga hakbang.]

​Edad
​Mga gawain
​14-18
​Makipagtulungan sa iyong programa ng CCS, MCP, at CCS primary care provider (PCP) sa pagpaplano ng pag-transisyon at pagkumpleto ng checklist ng mga kasanayan sa pangangalagang pangkalusugan ng kabataan. Makipagtulungan sa iyong mga espesyalista at CCS Special Care Center para sa mga rekomendasyon at referral sa mga provider ng pang-nasa hustong gulang na pangangalaga.
​16
​Humiling ng isang kumperensya ng transisyon ng kabataan sa programa ng CCS o sa iyong MCP.
​17-18
​Padadalhan ka ng programa ng CCS ng isang form ng pagpapahayag ng mga serbisyo para sa mga nasa hustong gulang at isang abiso ng mga kasanayan sa privacy. Kumpletuhin ang mga dokumento at ipadala ang mga ito pabalik upang ipaalam sa programa ng CCS kung gusto mong makipag-ugnayan lamang sa iyo ang programa o magpatuloy sa pakikipag-ugnayan sa iyong itinalagang miyembro ng pamilya pagkatapos mong maging 18. Kung hindi ka makakapagdesisyon nang mag-isa, kailangang may isang taong legal na hinirang/itinalaga para tumulong sa iyo.
​18-20
​Makikipag-ugnayan sa iyo ang isang lokal na kawani ng programa ng CCS o ang taong itinalaga mula sa MCP para talakayin at i-update ang iyong plano ng transisyon sa pangangalagang pangkalusugan.
​20
​Maaaring makipag-ugnayan sa iyo ang isang kawani ng programa ng CCS o isang taong itinalaga mula sa MCP upang matiyak na handa ka nang mag-transisyon mula sa programa ng CCS kapag naging 21 taong gulang ka na. Magpapadala sa iyo ang programa ng CCS o ang MCP ng isang client exit survey. Mangyaring kumpletuhin at ibalik ang survey na ito.​

5. Ang aking mga magulang ang gumagawa ng mga desisyon sa pangangalagang pangkalusugan para sa akin sa programa ng CCS. Paano ko malalaman kung magagawa ko ang mga desisyong ito pagkatapos kong mag-transisyon sa pang-nasa hustong na pangangalagang pangkalusugan?

Padadalhan ka ng programa ng CCS ng isang form ng pagpapahayag ng mga serbisyo para sa mga nasa hustong gulang at isang abiso ng mga kasanayan sa privacy bago ang iyong ika-18 kaarawan. Kumpletuhin ang mga dokumento at ipadala ang mga ito pabalik upang ipaalam sa programa ng CCS kung gusto mong makipag-ugnayan lamang sa iyo ang programa o magpatuloy sa pakikipag-ugnayan sa iyong itinalagang tao pagkatapos mong maging 18. Kung hindi ka makakapagdesisyon nang mag-isa, kailangang may isang taong legal na hinirang/itinalaga para tumulong sa iyo.

Kung sa tingin mo ay hindi ka makakagawa ng sarili mong mga desisyon sa pangangalagang pangkalusugan pagkatapos mag-transisyon sa pang-nasa hustong gulang na pangangalagang pangkalusugan, maaari mong bigyan ng awtorisasyon ang ibang tao na gawin ito para sa iyo sa pamamagitan ng paglagda sa isang pang-medikal na power of attorney (POA). Isang legal na dokumento ang medikal na POA para pangalanan ang isang tao na maging iyong ahente ng POA na maaaring gumawa ng mga medikal na desisyon para sa iyo kung sakaling hindi mo ito magawa mismo. Ang iyong ahente ay dapat na isang taong pinagkakatiwalaan mo ng iyong buhay, tulad ng mga magulang, nasa hustong gulang na kapatid, matagal nang matalik na kaibigan, atbp.

Pag-transisyon sa Mga Bagong Provider

1. Kailan ako titigil sa pagpapatingin sa aking kasalukuyang PCP/pediatrician?

Titingnan ka ng ilang pediatric physician hanggang sa iyong ika-21 kaarawan. Kung hindi isang pediatrician ang iyong PCP, maaari mong ipagpatuloy ang pagpapatingin sa kanila pagkatapos ng iyong ika-21 kaarawan. Mangyaring kumpirmahin ito sa iyong doktor bago ang iyong ika-18 kaarawan.

2. Pumunta ako sa isang pediatric provider. Bakit kailangan kong magpalit ng isang bagong PCP?

Sinanay ang mga Pediatrician na pangalagaan ang mga sanggol, bata, at kabataan. Habang tumatanda ka, kailangan mong pumili ng isang nasa hustong gulang na PCP na sinanay upang gamutin ang mga medikal na kondisyon ng nasa hustong gulang. Maaari kang pumili ng isang nasa hustong gulang na PCP pagkatapos ng iyong ika-18 kaarawan. Bagama't maaari kang lumipat sa isang provider na nasa hustong gulang sa edad na 18, maaari kang manatili sa programa ng CCS hanggang sa iyong ika-21 kaarawan.

3. Nagpapatingin ako sa isang pediatric PCP at sa isang pediatric subspecialist. Kailangan ko bang palitan ang aking parehong pangunahing at espesyal na doktor sa pangangalaga nang sabay-sabay?

Dapat mo munang palitan ang iyong PCP. Maaaring i-refer ka ng iyong pediatric PCP sa isang pang-nasa hustong gulang na PCP. Gagawa ng referral ang iyong pang-nasa hustong gulang na PCP para magpatingin ka sa isang espesyalista depende sa iyong kondisyon/sakit. Tutulungan ka ng iyong pang-nasa hustong gulang na PCP na mahanap ang mga espesyalista na pinakaangkop para sa iyong mga pangangailangan at uri ng pangangalaga. Sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa iyong pang-nasa hustong gulang na PCP, maaari kang lumikha ng isang bagong team ng pangangalaga ng mga subspecialist. Maaaring magkaroon din ng papel ang iyong mga pediatric subspecialist sa paghahanap ng mga pang-nasa hustong gulang na espesyalista na pinakaangkop para sa iyong mga pangangailangan at uri ng pangangalaga. Sa ilang sitwasyon, maaaring ikonekta ka ng iyong pediatric PCP o pediatric subspecialist sa isang pang-nasa hustong gulang na espesyalista.​

4. Ang aking doktor ay isang family medicine physician kung kanino ko planong manatili bilang isang nasa hustong gulang. Bakit kailangan kong planuhin ang pag-transisyon sa ibang provider?

Kung mayroon kang family medicine physician o family nurse practitioner, at nais mong patuloy na magpatingin sa kanila, maaari mong ipagpatuloy ang pagpapatingin sa kanila kahit na pagkatapos ng iyong pag-transisyon sa pang-nasa hustong gulang na pangangalagang pangkalusugan. Kung magpapatingin ka sa mga pediatric na espesyalista, tulad ng nephrologist, dermatologist, pulmonologist (nilalagdaan nila ang maraming matibay na kagamitan medikal (durable medical equipment, DME)​ 
reseta), o psychiatrist, kailangan mong mag-transisyon sa isang espesyalista na nangangalaga sa mga nasa hustong gulang.

Kung nakatanggap ka ng pisikal na therapy at/o mga serbisyo ng occupational na therapy sa Medical Therapy Unit (MTU) ng programa ng CCS, kailangan mong lumipat sa isang pang-nasa hustong gulang na provider para sa mga serbisyong iyon. Sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa iyong family medicine physician o family nurse practitioner at sa team ng Medical Therapy Program (MTP), maaari kang makatanggap ng mga reseta at rekomendasyon para sa mga serbisyo at lumikha ng isang bagong team ng mga espesyalista ng pang-nasa hustong gulang na pangangalaga para lamang sa iyo.

Habang papalapit ang iyong pagiging nasa hustong gulang at kinakailangang gumawa ng mga independiyenteng desisyon sa pangangalaga sa kalusugan, mangyaring isaalang-alang ang sumusunod:
  • Magpatingin sa doktor nang mag-isa, gamitin ang supported decision making, o legal na magtalaga ng isang gumagawa ng desisyon sa ngalan mo.
  • Tumawag sa mga provider ng pangangalagang pangkalusugan upang gumawa ng sarili mong mga appointment at ayusin ang transportasyon papunta sa at mula sa mga appointment.
  • Gumawa ng sarili mong mga co-payment para sa mga serbisyo sa pangangalagang pangkalusugan.
  • Ibigay ang iyong mga insurance card sa mga provider ng pangangalagang pangkalusugan.
  • Lagdaan ang mga medikal na form nang mag-isa o gamit ang supported decision making.
  • Magpasya kung sino ang gusto mong bigyan ng awtorisasyon na tingnan ang iyong mga medikal na rekord.
  • Tumawag para sa mga refill at kunin ang mga reseta.

5. Naiintindihan ko na nagbibigay-daan ang programa ng CCS sa malawak na access sa mga provider. Pagkatapos kong umalis sa programa ng CCS, paano matutukoy ang aking access sa mga provider? Ano ang mangyayari kung kailangan kong magpalit ng mga provider?

Maaaring nilimitahan ang iyong pag-access ng iyong pagpili sa Medi-Cal MCP. Makipag-ugnayan sa iyong MCP o sa iyong PCP para sa mga opsyon. Ang pag-access sa isang espesipikong provider ay maaaring mangailangan ng pagbabago sa iyong napiling MCP at medikal na grupo. Dapat itong isaalang-alang nang mabuti bago ang iyong ika-21 kaarawan.

6. Maaari ko bang panatilihin ang aking subspecialist pagkatapos kong mag-transisyon?

Oo, sa ilang sitwasyon maaari mong mapanatili ang iyong subspecialist depende sa kanilang larangan ng espesyalisasyon at uri ng pasilidad. Mangyaring pag-usapan ang kakayahang panatilihin ang iyong subspecialist sa iyong case manager.

Mga Gamot at Matibay na Kagamitang Medikal (Durable Medical Equipment, DME)

1. Marami akong iniinom na gamot. Paano ko makukuha ang mga ito pagkatapos kong mag-transisyon sa pang-nasa hustong gulang na pangangalagang pangkalusugan?

Tutukuyin ng iyong pang-nasa hustong gulang na PCP o pang-nasa hustong gulang na espesyalista kung anong mga gamot ang kakailanganin mo at susulatan ka ng reseta. Kung mayroon kang Medi-Cal at patuloy na magkakaroon ng Medi-Cal pagkatapos mong mag-transisyon, walang pagbabago sa kung paano mo kukunin ang iyong mga gamot. Kung mayroon kang iba pang saklaw sa kalusugan, sasaklawin ng planong iyon ang iyong mga gamot. Hinihikayat kang magmantini ng segurong pangkalusugan upang mapanatili ang pag-access sa pangangalaga at ang mababang gastos mula sa sariling bulsa. Dapat kang dumalo sa mga appointment sa iyong PCP at mga pediatric na espesyalista at ipasulat ang mga reseta na iyon bago mag-transisyon sa labas ng programa ng CCS.

2. Gumagamit ako ng DME at/o mga supply. Paano ko makukuha ang aking DME/Orthotics/Prosthetics (O at P) at/o iba pang supply pagkatapos mag-transisyon sa pang-nasa hustong gulang na pangangalagang pangkalusugan?

Kung mayroon kang DME, hinihikayat kang magplano para sa anumang kailangang kagamitan nang hindi bababa sa anim na buwan bago ang iyong ika-21 kaarawan upang handa ang iyong kagamitan kapag nag-transisyon ka sa labas ng programa ng CCS. Matutulungan ka ng iyong mga therapist sa PCP at MTP.​

Kung mayroon kang Medi-Cal, sasaklawin nito ang iyong DME/O at P kapag susulat ang iyong PCP, nurse practitioner, clinical nurse specialist, o assistant ng doktor ng reseta, ang item ay medikal na kinakailangan, at sasaklawin ito ng Medi-Cal. Maaari nilang ipadala ang reseta nang direkta sa isang provider ng DME o ibigay sa iyo ang reseta at hayaan kang pumili ng sarili mong provider ng DME. Isusumite ng provider ng DME ang order at reseta sa planong pangkalusugan para sa pag-apruba o pagtanggi. Ang ilang item ng DME/O at P ay maaaring hindi saklaw ng Medi-Cal. Maaaring matukoy ng iyong vendor ng DME kung aling mga item ang available para sa iyo.

Dapat taunang sinusuri ng iyong pang-nasa hustong gulang na PCP, nurse practitioner, clinical nurse specialist, o assistant ng doktor ang iyong pangangailangan para sa ilang partikular na DME/O at P na item. Kinakailangan taun-taon ang isang bagong reseta para sa lahat ng DME O at P na item para sa lahat ng DME/O at P na item at mga pamalit na piyesa.

Sa parehong paraan, kailangang suriin taun-taon ng iyong PCP sa pang-nasa hustong gulang na pangangalaga ang iyong pangangailangan para sa lahat ng supply at susulatan ka ng bagong reseta kapag nag-expire ang iyong reseta. Dapat may petsa ang reseta sa loob ng 12 buwan mula sa petsa ng serbisyo at maaaring nangangailangan ng iyong pagbisita sa opisina.

Isusumite ang awtorisasyon para sa DME/O at P at iba pang supply sa planong pangkalusugan para sa pagsusuri at pag-apruba kahit na nasa isang WCM county ka. Dapat mong makuha ang lahat ng iyong DME/O at P at iba pang supply na na-update ng iyong PCP o (mga) specialty provider bago mag-transisyon sa pang-nasa hustong gulang na pangangalaga. Maaaring kakailanganin ang pagbabago sa vendor, o maaaring kakailanganin mong kumuha ng pag-apruba sa labas ng network batay sa iyong MCP.

Seguro at Saklaw

1. Kasalukuyan akong naka-enroll sa Medi-Cal at CCS. Ano ang magiging insurance ko pagkatapos kong mag-transisyon sa pang-nasa hustong gulang na pangangalagang pangkalusugan?

Kung mayroon kang buong saklaw na Medi-Cal sa programa ng CCS at hindi nagbabago ang iyong pinansyal na kalagayan, patuloy kang magkakaroon ng buong saklaw ng Medi-Cal pagkatapos mag-transisyon sa isang programa para sa pang-nasa hustong gulang na pangangalag. Kailangan mong gawin ang sumusunod bawat taon:
  • Makipagtulungan sa iyong Medi-Cal County Eligibility Office upang i-renew ang iyong saklaw ng Medi-Cal bawat taon.
  • Tiyaking nasa iyong lokal na tanggapin ng Medi-Cal ang lahat ng iyong kasalukuyang impormasyon sa pakikipag-ugnayan at ipaalam sa kanila ang anumang pinansyal na pagbabago.
Ang mga tanong o alalahanin tungkol sa pagkakasaklaw at benepisyo ay dapat idirekta sa iyong MCP.

2. Kasalukuyan akong naka-enroll sa CCS state-only na programa (non-Medi-Cal). Ano ang magiging insurance ko pagkatapos kong mag-transisyon sa pang-nasa hustong gulang na pangangalagang pangkalusugan?​

Magtatapos ang saklaw ng iyong CCS state-only na programa sa iyong ika-21 kaarawan. Hindi ka awtomatikong mai-enroll sa Medi-Cal kapag hindi na ipinagpatuloy ang iyong mga benepisyo sa CCS state-only na programa, dapat mong isaalang-alang ang pag-apply bago ang iyong transisyon. Kung mayroon kang iba pang saklaw ng pangkalusugan, magpapatuloy ang iyong mga serbisyo sa ilalim ng iyong iba pang segurong pangkalusugan pagkatapos mag-transisyon sa pang-nasa hustong gulang na pangangalagang pangkalusugan. Maaari kang makakuha ng segurong pangkalusugan sa iba't ibang paraan, tulad ng pagpapatuloy ng pagsasaklaw sa seguro sa ilalim ng iyong mga magulang hanggang sa edad na 26, ang pagiging kwalipikado para sa isang pederal o plano ng pamahalaan ng estado, pagkuha ng segurong pangkalusugan sa pamamagitan ng isang employer, o pagbili ng segurong pangkalusugan mula sa Marketplace (Covered California) o iba pang pinagmumulan.​

Mga Programa, Suporta at Mapagkukunan

1. Matutukoy ba ng kita ng aking magulang/pamilya kung kwalipikado ako para sa Medi-Cal pagkatapos kong maging 18 taong gulang?

Hindi, kapag naging 18 taong gulang ka na, hindi na maaaring ibilang ang kita ng iyong magulang/pamilya sa iyong pagtukoy sa pinansyal na pagiging kwalipikado sa Medi-Cal. Tutukuyin ng Medi-Cal ang iyong pagiging kwalipikado para sa mga serbisyo batay lamang sa iyong kita.

​2. Anong mga programa at serbisyo para sa pang-nasa hustong gulang na pangangalaga ang available? Aling programa para sa pang-nasa hustong gulang na pangangalaga ang maaari kong i-transisyon?

a. Kailangang naka-enroll ka sa Medi-Cal upang maging kwalipikado na mag-transisyon mula sa programa ng CCS patungo sa alinman sa mga sumusunod na programa at serbisyo para sa pang-nasa hustong gulang na pangangalaga na kung saan kwalipikado ka batay sa iyong kondisyon/sakit at sa iyong pagtatasa ng kahandaan sa pag-transisyon:

  • Mga Waiver
    • Waiver ng Home and Community-Based Alternatives (HCBA)
      Nagbibigay ang Waiver ng HCBA ng mga serbisyo sa pamamahala ng pangangalaga kung mataas ang iyong posibilidad para sa nursing home o institusyonal na placement. Ibinibigay ang mga serbisyo ng pamamahala sa pangangalaga at waiver sa iyong tirahan na nakabatay sa komunidad. Ang tirahan na ito ay maaaring maging pribadong pag-aari, na nai-secure sa pamamagitan ng isang kasunduan sa pag-upa ng nangungupahan, o ang tirahan ng miyembro ng iyong pamilya.
    • Assisted Living Waiver (ALW)
      Maaari kang mag-transisyon sa ALW kung kwalipikado ka para sa Medi-Cal nang walang bahagi ng gastos sa Medi-Cal, nangangailangan ng antas ng pangangalaga sa pasilidad ng pag-aalaga (nursing facility), at nais na manirahan sa isang residensyal na setting ng pangangalaga o sa pampublikong pinopondohang pabahay para sa nakatatanda at/o may kapansanan.
    • ​HIV/AIDS Waiver o Medi-Cal Waiver Program (MCWP)​
      Ang Medi-Cal Waiver Program (MCWP), na dating kilala bilang AIDS Waiver, ay nagbibigay ng komprehensibong pamamahala ng kaso at mga serbisyo ng direktang pangangalaga bilang alternatibo sa pangangalaga sa pasilidad ng nursing o ospital kung ikaw ay nabubuhay na may HIV/AIDS.
  • Pinamamahalaang Pangangalaga
    • Enhanced Care Management (ECM)
      Maaaring available sa iyo ang ECM kung naka-enroll ka sa isang Medi-Cal MCP at kwalipikado para sa isang ECM Population of Focus (POF). Maaaring tugunan ng ECM ang iyong mga klinikal at hindi klinikal na pangangailangan sa pamamagitan ng intensibong koordinasyon ng mga serbisyong pangkalusugan at may kaugnayan sa pangkalusugan.
      Inilulunsad ng DHCS, Medi-Cal MCP, at mga provider sa buong estado ang ECM sa mga yugto, sa pamamagitan ng POF, mula 2022 hanggang 2024. Nangangailangan ang bawat POF ng isang natatanging modelo, referral pipeline, at network ng provider upang matugunan ang mga pangangailangan ng mga kwalipikadong miyembro, ngunit kabilang sa mga pangunahing feature ng ECM sa mga POF ang mga provider na nakabatay sa komunidad, pangangalagang nakasentro sa tao, at high-touch in- person na suporta. Kabilang sa mga POF ng mga bata at kabataan ang:
      • ​Mga bata at kabataang nakararanas ng kawalan ng tirahan.
      • ​Mga bata at kabataan na may malubhang pangangailangan sa kalusugan ng pag-iisip at/o sakit sa paggamit ng ipinagbabawal na substance.
      • ​​Mga bata at kabataang naka-enroll sa CCS o CCS WCM na may mga karagdagang pangangailangan na lampas sa kundisyon ng CCS.
    • ​Community Supports (Mga Suporta sa Komunidad)
      Kung na-enroll ka sa isang Medi-Cal MCP, maaari kang maging kuwalipikado para sa ilang mga Suporta sa Komunidad upang matugunan ang iyong mga panlipunang pangangailangang, kabilang ang mga medikal na pang-suportang pagkain, deposito sa pabahay, o iba pang suporta sa pabahay. Magkakaroon ka ng nag-iisang Lead Care Coordinator na mag-aayos ng pangangalaga at mga serbisyo sa pagitan ng mga pisikal, pag-uugali, dental, debelopmental, at delivery system ng mga serbisyong panlipunan, na ginagawang mas madali para sa iyo na makuha ang tamang pangangalaga sa tamang panahon sa tamang setting.

b. Hindi kinakailangan ang pagiging kwalipikado sa Medi-Cal para mag-transisyon mula sa programa ng CCS patungo sa Genetically Handicapped Persons Program (GHPP)

    • ​​GHPP
      Ang GHPP ay isang programa sa pangangalagang pangkalusugan para sa mga nasa hustong gulang na may mga espesipikong genetic na sakit​. Maaaring tulungan ng GHPP ang mga miyembro sa kanilang mga gastos sa pangangalagang pangkalusugan. Nakikipagtulungan ang GHPP sa mga doktor, nars, pharmacist, at iba pang miyembro ng team ng pangangalagang pangkalusugan sa pagbibigay ng mga kinakailangang serbisyong pangkalusugan.

3. Anong mga mapagkukunan ang available upang masuportahan ako at ang aking pamilya sa panahon ng transisyon mula sa pediatric patungo sa pang-nasa hustong gulang na pangangalagang pangkalusugan?

Mayroong maraming mapagkukunan na nagbibigay ng impormasyon tungkol sa pag-transisyon mula sa isang programa ng mga bata patungo sa isang programa para sa pang-nasa hustong gulang na pangangalaga. Kabilang sa mga mapagkukunan ang:
  • Ang iyong pediatric PCP o espesyalista.
  • Ang case manager ng programa ng CCS o case manager ng MCP sa county kung saan ka nakatira.
  • Ang iyong pediatric care hospital.
Karagdagang mapagkukunan:


Last modified date: 10/2/2024 11:14 AM